Manila, Philippines – May posibilidad na madiin din si resigned Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa 50-million peso Bureau of Immigration o BI bribery scandal.
Ito ang inihayag ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon matapos sumuko si Wally Sombero, ang dating police officer na umano’y nag-abot ng bribe money kina dating BI Commissioners Al Argosino at Michael Robles mula sa gambling tycoon na si Jack Lam.
Sabi ni Gordon, si Sombero ang maaring magsiwalat ng katotohanan sa ginawang pakikipagpulong ni Aguirre kay Jack Lam sa Shangrila Hotel sa Taguig noong November 27, 2016 o isang araw bago naganap ang umano’y suhulan.
Sabi pa ni Gordon, maaring maging state witness o pangunhaing testigo si Sombero dahil hindi naman ito maituturing na most guilty sa nabanggit na krimen.