Cauayan City, Isabela – Agad nang naisampa sa korte ang kaso laban sa isang bakla na nambugbog ng isang kinse anyos na menor de edad.
Ang kaso ay kasong Physical Injury in Relation sa Republic Act 7160 o anti Child Abuse Law.
Ito ang nalaman ng RMN Cauayan News Team sa ginawang panayam kay PCInsp Ferdinand Estrada Laudencia,ang hepe ng Bagabag PNP sa programang Straight to the Point ngayong umaga ng Abril 3, 2018.
Ito ay matapos tugunan ng PNP Bagabag ang video ng pamumugbog na naging viral sa social media na naunang naidulog ng RMN Cauayan sa naturang tanggapan.
Ang biktima ng bullying o pamubugbog ay isang 15 anyos na itinago sa pangalang Tintin ay nakunan pa matapos ang naturang insidente na nangyari pa noong Agosto 2017.
Di nga lang agad naisampa ang kaso matapos hindi sinipot ng suspek na nakilalang si Christomoso Jabar, 20 anyos, tubong Villa Coloma, Bagabag, Nueva Viscaya sa tinangkang komprontasyon.
Matapos walang mangyari ay inilagay nila ang video sa social media bilang pamamaraan para makamit ang hustisya.
Ibinalita rin ni PCInsp Ferdinand Estrada Laudencia na matapos mailapit ng RMN Cauayan ang kaso ay nagkaroon rin ng tulong ang Bagabag Municipal Social Welfare and Development Office ng kaukulang intervention sa naturang menor de edad gaya ng counseling, debriefing at monitoring.
Magugunita na si Tintin ay kaklase niya ang suspect Alternative Learning System(ALS) sa Tuao South National High School, Tuao, Bagabag, Nueva Viscaya noong mangyari ang naturang insidente.