IED narekober sa Datu Saudi Ampatuan

Muling nakarekober ng Improvised Explosive Device ang mga otoridad sa bahagi ng Sitio Lining Brgy Salbu Datu Saudi Ampatuan.
Natagpuan ito pasado alas sais kaninang umaga. Agad namang nagresponde ang mga elemento ng DSA MPS kasama ang EOD Team.
Nagpasalamat naman ang mga otoridad sa pakikipagtulungan ng mga residente at napigilan ang madugong plano ng mga responsable.
Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na mga elemento ng Bangsamoro Islamic Freedom Figthers ang nasa likod ng pagtanim ng IED.
Google File Pic

Facebook Comments