Manila, Philippines – Iginagalang ng Palasyo ng Malacañang ang naging desisyon ng Makati City Regional Trial Court branch 148 sa kasong kudeta ni Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, iginagalang nila ang constitutional independence ng hudikatura at hindi aniya ito mababali dahil susunod at susunod ang ehekutibo sa anomang iutos ng korte hindi aniya katulad ng ilang nasa oposisyon na nagpapaawa pa sa publiko
Kaya naman iginagalang ng office of the president ang pagdeny ng RTC branch 148 sa mosyon ng Department of Justice para maaresto si Senador Trillanes kaugnay sa kinakaharap na kaso.
Welcome din naman aniya ang pagpapatibay ko korte sa inilabas na proclamation ng Malacañang pna nagpapawalang bisa sa amnesty na ibinigay kay Senador Trillanes.
Patunay din aniya ito na walang nangyayaring political persecution at ipinapatupad lamang ng pamahalaan ang mga umiiral na batas at hindi pinagiinitan ang sinomang kumakalaban sa administrasyon.
Tiniyak din naman ni Panelo na hindi manghihimasok ang Office of the President sa kaso at hahayaan ang Department of Justice at Office of the Solicitor General sa paghahanap ng mga legal remedies matapos ang desisyon ng RTC.