Manila, Philippines – Iginiit ng Grab Philippines na legal ang kanilang fare structure.
Ito ay kasunod ng kautusan ng Department of Transportation (DOTr) na saklawin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtatakda ng pasahe sa mga Transport Network Companies (TNCs).
Ayon kay Grab Legal Counsel Miguel Aguila, patunay lamang ito na legal ang ipinatutupad nilang dalawang piso sa kada minutong waiting time charge at P80 minimum fare.
Dagdag pa ni Aguila, dapat humingi ng apology si PBA Party-List Representative Jericho Nograles sa mga naapektuhang driver.
Nabatid na pinasuspinde ni Nograles ang 2 pesos per minute charge sa LTFRB na siyang ipinepetisyon ngayon ng Grab na ibalik.
Pagdedesisyunan pa ng LTFRB ang hiling ng Grab.