IGINIIT | Banta ni PRRD na pag-raid sa mga warehouse, hindi solusyon sa krisis sa bigas

Manila, Philippines – Para kay Senator Kiko Pangilinan, hindi sapat na solusyon sa krisis sa bigas ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagsalakay sa mga bodega ng bigas.

Naniniwala si Pangilinan, na lalabas na pakitang-tao lamang ang plano ni Pangulong Duterte na raid sa mga warehouse ng bigas.

Giit ni Senator Pangilinan, korapsyon at kawalan ng kakayahan ng mga taga-National Food Authority o NFA ang dahilan kaya nahaharap ang bansa sa problema sa suplay at presyo ng bigas.


Diin ni Pangilinan, ang problema sa NFA ay hindi mareresolba ng pag-inspeksyon at pag-raid sa mga warehouse ng bigas at patugis sa mga negosyante lamang.

Ayon kay Pangilinan, bahagi ng maaring solusyon sa problema sa bigas ang pagtiyak na didiretso sa merkado ang parating na imported na bigas ngayong Oktubre at ang aanihing bigas ng mga magsasaka.

Facebook Comments