IGINIIT | Gobyerno hindi dapat pagkakitaan ang rice tariffication – Sen. Recto

Manila, Philippines – Naniniwala si Senate Presidente Pro Tempore Ralph Recto na ang mga magsasaka at hindi ang gobyerno ang dapat na makinabang sa Rice Tariffication Bill.

Ito ang iginiit ni Senador Recto matapos maaprubahan sa Senado ang naturang panukala.

Ibinunyag ni Recto na may ilang taga gobyerno ang nagbabalak na gamitin ang panukala sakaling maging ganap na batas bilang panibagong revenue source at binalaan na niya ito.


Paliwanag ng senador nakasaad sa panukala na ang 100 porsyento na kikitain dito ay mapupunta sa mga lokal na magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng lahat ng tulong sa kanila na may kinalaman sa pagsasaka.

Dagdag pa ni Recto na may nagpanukala na limitahan lang sa P10 bilyon ang ibibigay na tulong sa mga magsasaka pero agad niya itong ibinasura.

Nabanggit din ng senador na ginawang pagtataya ng Philippine Institute for Development Studies ang maaaring kitain sa taripa sa bigas ay tinatayang aabot hanggang P27.7 bilyon.

Facebook Comments