Manila, Philippines – Mananatiling miyembro ng Kamara si Ilocos Norte Representative Imelda Marcos.
Nabatid na hinatulang guilty ng Sandiganbayan si Marcos ng pitong bilang ng graft kaugnay sa pagbuo ng mga pribadong organisasyon sa Switzerland noong siya ay nagsisilbing national government official mula 1968 hanggang 1986.
Paglilinaw ni House Deputy Speaker, Capiz Representative Fredenil Castro – hihintayin nila ang pinal na judgement kay Mrs. Marcos bago sila gumawa ng hakbang.
Naniniwala naman si Akbayan Party-List Representative Tom Villarin na kailangang harapin ni Marcos ang kanyang sentensya.
Si Marcos ay nasa ikatlo’t huling termino nito bilang mambabatas.
Facebook Comments