IGINIIT | Inflation rate, posibleng bumaba

Manila, Philippines – Posibleng bumaba hanggang sa Enero ng susunod na taon ang inflation rate o bilis ng paggalaw ng presyo ng bilihin sa bansa.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, nananatiling mababa ang presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin.

Maging ang presyo aniya ng produktong petrolyo ay patuloy na bumababa na pangunahing nakakaapekto sa inflation rate.


Matatandaang nitong Oktubre ng pumalo sa 6.7 percent ang inflation rate sa bansa na pinakamataas sa loob ng siyam na taon.

Facebook Comments