GOOD NEWS | Malakihang tapyas presyo sa petrolyo, asahan sa Martes!

Manila, Philippines – Muling magpapatupad ng big time rollback sa produktong petrolyo ang ilang kumpaniya ng langis sa Martes, Disyembre 4.

Ayon sa SeaOil, mayroon silang P2 bawas sa kada litro ng gasolina at kerosene at bawas na P2.10 sa kada litro ng diesel simula alas-6 ngayon umaga.

Parehong presyo rin ang itatapyas ng Jetti Pump sa kanilang gasolina at diesel ngayong araw.


Sa Martes, Disyembre 4, naman magpapatupad ang PTT Philippines, Caltex at Shell ng P2 bawas sa kada litro ng gasolina at P2.10 bawas sa kada litro ng diesel.

Magbabawas din ang Caltex at Shell ng P2 sa kada litro ng kanilang kerosene.

Tatapyasan naman ng Petro Gazz ng P2 ang kada litro ng kanilang diesel at gasolina simula Martes.

Naunang magpatupad noong tanghali ng Sabado ang Phoenix Petroleum ng P2 tapyas sa kada litro ng gasolina at diesel.

Facebook Comments