IGINIIT | Itatalagang Press Secretary dapat abogado ayon sa Pangulo; Pagbuo ng OPS hindi pa natatapos

Manila, Philippines – Hindi pa rin naisasapinal ang Executive Order (EO) na bubuo sa Office of the Press Secretary (OPS).

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa harap na rin ng paglutang ilang pangalan na sinasabing posibleng maitalaga bilang Press Secretary.

Ayon kay Andanar, naghihintay pa sila ng karagdagang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte partikular kung pag-iisahin o pananatiliing hiwalay ang Office of the Press Secretary (OPS) at ang Office of the Presidential Spokesman.


Inihayag naman ni Andanar na gusto ni Pangulong Duterte, na isang abogado ang italaga sa OPS dahil ang nais ng Pangulo ay may malalim na kaalaman sa batas ang kanyang itatalaga lalo pa at ang magiging papel ay parehong Press Secretary at Presidential Spokesman.

Matatandaan na sa ngayon ay tumatayong Presidential Spokesman si Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo na base din sa mga naging pahayag ng Pangulo ay hindi magiging pangmatagalan.

Facebook Comments