Manila, Philippines – Naniniwala si LTOP President Orlando Marquez na wala siyang nakikitang problema sa itinatayong footbridge sa EDSA na lubhang napakataas akyatin.
Ayon kay Marquez na isang enhenyero at dating opisyal ng Filipino Inventors Society Open Hitention Wire yung kuryente nagpapatakbo sa MRT kaya at minarapat umanong inilayo nila iyon para kapag tag-ulan hindi agad ma-ground ang mga commuters pagtapat doon sa naturang tulay.
Paliwanag pa ni Marquez tapat ang disenyo kaya wala aniyang problema ang ginagawang tulay sa EDSA pero ang ini-aangal lamang ng publiko ay masyadong mataas ang naturang food bridge.
Dagdag pa ni Marquez walang dapat na ikabahala ang mga commuters dahil ligtas naman umano sa publiko ang naturang tulay base na rin aniya sa desenyo ng mga eksperto.