IGINIIT | Paglalagay sa isang Balangiga bell sa Nat’l Museum, hindi kailangang madaliin

Manila, Philippines – Nauunawaan ni Senator Grace Poe ang punto ng isinusulong ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na ilagay sa National Museum ang isa sa tatlong Balangiga bells na isinauli ng Amerika makalipas ang 117 taon.

Sa resolution number 965 ay binigyang-diin ni Senator Zubiri na ilagay sa National Museum ang isang Balangiga bell para magkaroon ng pagkakataon ang iba pang mga Pilipino na ito ay makita at para makatulong sa historical education.

Pero ayon kay Poe, hindi kailangang madaliin ang nais ni Senator Zubiri.


Ikinatwiran ni Poe na siguradong nananabik ang mamamayan sa bayan ng Balangiga, Eastern Samar sa Balangiga bells na tinangay ng mga sundalong Amerikano noon.

Mungkahi pa ni Poe, pwedeng i-tour na lang o iikot sa iba’t ibang panig ng bansa ang Balangiga bells para siguradong makikita din ito ng ibang mga Pilipino.

Facebook Comments