TINAMBANGAN | Pulis, patay sa pamamaril

Quezon City – Patay ang isang pulis matapos barilin ng riding in tandem criminal sa Quezon City.

Kinilala ang napatay na pulis na si Police Inspector Romeo Tandas, 49-anyos at Deputy District Tactical Office ng QCPD.

Ayon sa paunang ulat ng QCPD, bigla na lamang umanong sumulpot ang dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo saka binaril ang biktima sa may kanto ng Commonwealth Avenue at University lane, Barangay UP campus.


Agad tumakas ang riding in tandem patungo sa direksyon ng Tandang Sora Area.

Naisugod pa sa Diliman Doctors Hospital ang biktima pero ideneklara na itong dead on arrival.

Inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments