Manila, Philippines – Dahil sa patuloy na pagtama ng mga kalamidad sa bansa, katulad ng mga bagyo, ay iginiit ni Senator Sonny Angara na isama sa curriculum ng mga pribado at pampublikong paaralan ang Cardio Pulmonary Resuscitation o CPR training sa mga estudyante.
Kaugnay nito ay pinuri ni angara ang ginagawang mass demonstrations ng Department of Health o DOH ukol sa pagsasagawa ng CPR.
Diin ni Angara, mahalaga na matutunan ng mga estudyante ang tamang paraan ng pagsagip ng buhay kapag may kalamidad.
Tinukoy pa ni Angara ang resulta ng mga pag-aaral na nadodoble ang tsansang makaligtas ang isang nag-aagaw buhay na indibidual kapag ito ay nalapatan ng CPR.
Ipinalala din ni Angara ang nakapaloob sa iniakda niyang Republic Act 10871 na kilala din bilang Samboy Lim Law na dapat maging lifesavers o tagapagligtas din ang mga kabataang Pilipino.