Iginiit ni Police Regional Office 12 Director, Chief Superintendent Marcelo Morales na walang kinalaman sa politika ang magkahiwalay na pamamaril sa tatlong tumatakbo sa Barangay Election sa Sultan Kudarat at Sarangani Province, Ilang araw bago ang May 14, Barangay at SK Election.
Unang pinag babaril hangang mamatay ang isang incumbent Barangay Kapitan sa Tambilil, Kiamba Sarangani na si Kapitan Reynardo Amador, sinundan ito ng pamamaril kay Barangay Sapu Masla, Malapatan Barangay Kagawad Haron Malagos noong Biyernes.
Habang patay naman matapos pagbabarilin si Kapitan Mustre Aguib, ng Barangay Mina, Palimbang, Sultan Kudarat,
Sinabi ni General Morales na base sa isinagawa nilang imbistigasyon, lumabas na personal grudge ang naging motibo ng pag patay sa mga biktima. Si Amador pinatay ng New People’s Army (NPA) dahil pinag-dudahan na siya nag bibigay ng impormasyon sa mga sundalo.
Habang si Malagos at Aguib ay pinag-dududahan na naging dahilan ng pag kaaresto ng mga kilalang tao sa kanilang barangay na involved sa illegal drugs.
Kinumpirma naman ni General Morales na identified ang mga suspek sa magkahiwalay na pamamaril sa mga biktima at kanila nang nafile ang kaso laban sa mga salarin.