IGINIIT | Philippine Army, walang kasamahan na kabilang sa nais magpatalsik kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Hindi sasayangin ng bawat miyembro ng Philippine Army ang tiwala ng mga Pilipino at kanilang sakripisyo sa kanilang trabaho para lamang mapabilang sa nagpapaplanong mapatalsik ang Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang pahayag ni Philippine Army Spokesperson Col. Louie Villanueva matapos paghinalaan ni Pangulong Duterte ang ilang sundalo na nahikayat na ng mga grupong nais syang maalis sa pwesto.

Sinabi pa ni Villanueva, sa ngayon nanatiling mataas ang morale, net satisfaction at net trust ng publiko sa Philippine Army kaya hindi nila ito sasayangin para lamang sa umano ay ouster plot laban sa Pangulo.


Hindi na rin daw kailangang isailalim sa loyalty check ang bawat miyembro ng Philippine Army dahil nanatili aniyang propesyunal at may dedikasyon sa kanilang misyon ang buong hanay ng hukbong katihan.

Facebook Comments