Manila, Philippines – Iginiit ni Opposition Senator Bam Aquino na dapat ipaloob sa isang treaty o tratado ang nilulutong joint exploration ng natural resources sa West Philippine Sea sa pagitan ng Pilipinas at China.
Pahayag ito ni Aquino, makaraang ianunsyo ni Foreign Affairs Secretry Alan Peter Cayetano ang plano kung saan magiging 60-40 ang hatian pabor sa ating bansa.
Kasabay nito ay iginiit din ni Aquino na dapat matuloy na ang pagdinig ng committee on foreign relations ukol sa mga kasunduang pinasok ng Pilipinas at China.
Sabi ni Aquino, dapat maisapubliko ang anumang agreement natin sa china upang masuri at mahusgahan kung lamang o dehado ba tayo at kung nasasakripisyo ba ang atng teritoryo.
Facebook Comments