Walang specific guidance si Pangulong Rodrigo Dutere sa Philippine National Police (PNP) para sa plano nitong pagbuo ng sariling sparrow unit.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.
Aniya ang ginawa lamang ng PNP ngayon ay ang pag-deploy ng mga elite forces sa mga lugar na malaki ang problema sa internal security.
Ito ay batay na rin sa utos ng Pangulo upang mas matutukan ang internal security operations.
Sa ngayon aniya mayroon na silang idineploy na isang company ng PNP Special Action Force sa Bicol Region, sa Samar at isang batallion ng SAF sa Negros.
Inihayag naman ni Albayalde na kaya plano ng Pangulo na bumuo ng sparrow unit katulad ng Davao death squad ay dahil sa mas pagiging aktibo ng mga makakaliwang grupo sa pananambang na ang target ay mismong mga tropa ng pamahalaan.