Manila, Philippines – Niloloko lamang umano ni Pangulong Duterte ang publiko nang ilipat nito sa TESDA si dating Customs Commissioner Isidro Lapeña.
Ayon kay Akbayan Representative Tom Villarin nasa polisiya dapat ni Pangulong Duterte na tugunan ang multi-bilyong pisong shabu scandal.
Pilit na umanong pinagtatakpan ang problema sa nakalusot na iligal droga sa BOC at pinipigilan itong lalong sumingaw ng ilipat si Lapeña sa TESDA.
Wala din aniya itong pinagkaiba kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon nang makalusot din sa kanya ang P6.4 Billion na iligal na droga at inilipat ng ibang ahensya ng gobyerno nang naiipit na ito sa isyu.
Dagdag pa ng mambabatas, hindi na mapagkakatiwalaan ang mga public office ng gobyerno dahil sa ganitong naging sistema sa mga opisyal na nadadawit sa katiwalian.