IGINIIT | Sen. Escudero, hinamon ang PDEA na pangalanan ang mga lokal na opisyal na nasa narco list

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Francis Chiz Escudero sa Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na isapubliko ang narco list na kinabibilangan umano 93 elected officials.

Ayon kay Escudero, dapat pangalanan ng PDEA ang mga kasama sa narco list na binubuo umano ng 67 mayor, 6 na kongresista, ilang vice mayor at vice governor.

Tanong ni Escudero, validated na ba ang nasabing narco list.


Nagtataka kasi si Escudero kung bakit hindi agad nagsasagawa ng entrapment ang PDEA para maaresto at makasuhan ang sinasabing mga politiko na sangkot sa ilegal na droga.

Facebook Comments