Ito ang ilan sa mga fun facts tungkol sa kantang Hotel California ng Eagles
– Ang kantang ito ay nanalo ng Grammy Award bilang Record of the Year noong 1977.
– Ito rin ay nakatanggap ng iba’t- ibang interpretasyon mula sa mga fans at ibinahagi naman ni Don Henley sa isang dokyumentaryo patungkol sa kanilang banda ang nais ipabatid ng kanta, ito ay tumutukoy sa kanilang naging paglalakbay at karanasan lalo na sa industriya ng musika
– Nang marinig ni Ian Anderson, isang multi-instrumentalist ang kantang Hotel California ay napansin niyang tila hawig sa komposisyon niyang “We Used to Know” noong 1969 ang nasabing kanta.
– Ang gumawa ng pelikulang Taxi Driver at Close Encounters of the Third Kind na si Julia Phillips ay nagkainteres na isapelikula ang Hotel California na tinanggihan naman ng banda.
– Ginunita ang ika-40 anibersaryo ng nasabing kanta noong February 26, 2017
iHitstory: Hotel California by Eagles
Facebook Comments