Ilang kaanak ng mga biktima ng Resorts World Manila, balak kontrahin ang muling pagbubukas ng casino-hotel

109

Manila, Philippines – Nagpasaklolo na sa Public Attorney’s Office (PAO) ang ilang sa kaanak ng mga biktima ng Resorts World Manila (RWM) attack.

Ayon sa kanila, hindi pa kasi sila nakakapag-babang luksa ay nag-operate na ulit ang casino-hotel.

Giit pa ng mga ito, tila hindi umamin ang pamunuan ng RWM sa naging kasalanan nito.


Sinabi ni PAO Chief Percida Acosta – handa nilang tulungan ang mga lumapit na kaanak.

Bibigyan ng PAO ng deadline ang RWM para makipag-ayos sa mga pamilya ng mga biktima.

Samantala, iginiit naman ng RWM, kailangang ding isipin ang kapakanan ng 6,000 nilang empleyado.



Facebook Comments