IIMBESTIGAHAN | Bangkay ng isang babae, natagpuan sa South Cotabato

24

South Cotabato – Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang natagpuang hubad na bangkay ng isang babae sa bayan ng Tantangan, South Cotabato.

Kinilala ang biktima na si Chona Paredes, 33-anyos na residente ng Barangay Datalbab, T’boli, South Cotabato.

Sa imbestigasyon, posibleng ginahasa muna ang biktima bago pinatay dahil sa half naked ito nang makita sa Purok Lower Saranay, Barangay New Kuyapo.

May dalawang tama din ng bala sa katawan ang biktima na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Facebook Comments