IIMBESTIGAHAN | National Privacy Commission, humihingi ng dokumento sa facebook ukol sa nangyaring data breach ng Cambridge Analytica

12

Manila, Philippines – Nagpadala ng sulat ang National Privacy Commission (NPC) kay Facebook Founder Mark Zuckerberg para humingi ng mga dokumento kaugnay ng nangyaring pagpasok ng Cambridge Analytica sa kanilang data system.

Ito ay kasunod ng gagawing imbestigasyon ng NPC sa nasabing kontrobersiya.

Ayon kay NPC Commissioner Raymund Liboro, nais nilang malaman kung may hindi otorisadong tao na gumamit ng personal data ng mga Pilipino at iba pang posibleng paglabag sa Data Privacy Act of 2012 ng Pilipinas.

Aniya, tututukan nila kung nai-share o naibahagi ng facebook sa third party ang mga personal na datos ng mga Pinoy users ng facebook para magamit sa anomalya.

Facebook Comments