IIMBESTIGAHAN | Pagkamatay ng dalawang preso sa Pasay City Jail, inaalam na

Pasay City – Inaalam na ngayon ng mga imbestigador ang dahilan ng pagkamatay ng dalawang lalaking bilanggo ng Pasay City Philippine National Police station Drug Enforcement Unit (DEU) detention cell.

Nakilala ang mga nasawi na sina Eduardo Angeles, 48-anyos at Arman Castillo, 32-anyos.

Ayon sa Pasay City Police, nakita na lamang ng pulis na si PO1 Anthony Fernandez na walang malay sina Angeles at Castillo habang nagsasagawa ng routine check.


Agad na humingi ng tulong ang pulis mula sa Pasay rescue saka dinala ang dalawa sa Pasay General Hospital pero namatay din habang ginagamot.

Hinala ng mga pulis na sangkot ang kapwa bilanggo hinggil sa pagkamatay ng dalawa.

Facebook Comments