IIMBESTIGAHAN | Special Investigation Committee binuo ng Philippine Navy matapos ang pagkakasadsad ng BRP Gregorio del Pilar sa WPS

Manila, Philippines – Bumuo na ang Philippine Navy ng Special Investigation Committee na siyang tututok sa pagiimbestiga sa sumadasad na Barko ng Pilipinas o BRP Gregorio Del Pilar sa Hasa- hasa shoal sa West Philippine Sea kamakailan.

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson, Commander Jonathan Zata, Aalamin ng binuong komite ang totoong nangyari bakit humantong sa pagkakasadsad ang barko nang sa ganun mapanagot ang dapat managot at upang hindi na ito maulit pa.

Magsisilbing Chairman ng Special Investigation Committee si Commo Toribio Adaci Jr Commander ng Fleet-Marine Ready Force.


Habang mga miyembro ang ilang key officers at staff ng Philippine Navy.

Ang resulta ng imbestigasyon ay ipapadala kay Flag Officer In Command Vice Admiral Robert Empedrad.

Kinumpirma rin ni Zata na kaninang tanghali ay nakarating na sa Subic Zambales ang BRP del pilar mula sa West Philippine Sea.

Kasalukuyan aniyang iniinspeksyon ito at inaalam ang kabuuang damage ng barko dahil sa pagkakasadsad.

Facebook Comments