Ika-27 na Nagpositibo sa COVID-19, Naitala sa Cauayan City, Isabela!

Kinumpirma ni DOH OIC Director III Dr. Leticia Cabrera ngayong hapon, April 13, 2020 na may isang (1) bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Cagayan Valley.

Siya ay isang health worker, 40 taong gulang, taga Brgy. Minante Uno, Cauayan City, Isabela at binansagang si PH4805.

Ayon sa national database ng Epidemiology Bureau ng DOH, walang kasaysayan ng paglalakbay sa anumang lugar na may positibong kaso sa bansa, ngunit nakasalamuha niya si PH3987, base sa contact tracing na isinagawa para sa lahat ng nagkaroon ng close contact rito.


Si PH4805 ay nakaranas ng lagnat at pagtatae na nagsimula noong ika-12 ng Abril.

Siya ay nakuhanan ng specimen sample noong April 10, 2020 at napag-alaman na positibo siya sa COVID-19 dalawang araw matapos siyang masuri.

Nasa pangangalaga na ng Southern Isabela Medical Center (SIMC) ang naturang pasyente.

Kasalukuyang isinasagawa ang contact tracing para sa lahat ng posibleng nakasalamuha ni PH4805 sa pangunguna ng DOH sa pamamagitan ng ating Regional Epidemiology and Surveillance Unit, kasama ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at Pamahalaang Panglungsod ng Cauayan City.

Sa kabuuan, nakapagtala na ang rehiyon ng 27 na CONFIRMED CASES kung saan 20 na rito ang nag-negatibo sa sakit.

Facebook Comments