Ika-37 Anniversary ng 5th Infantry Division, Isinasagawa Na!

Gamu, Isabela – Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-37 taong pagkakatatag ng 5th Infantry Division bilang isang unit dito sa Northern Luzon ng Philippine Army.

Ayon kay Captain Jefferson Somera ,Division Public Affairs Officer ng 5th Infantry Star Division may mga bisita umano na nagmula sa higher headquarters upang pangunahan ang nasabing aktibidad kung saan magiging pangunahing pandangal si Lieutenant General Rolando Joselito Bautista, Commanding General ng Philippine Army sa nasabing anibersaryo.

Magkakaroon umano ng slow drill, tradisyunal na parade in review ,awarding ng mga sundalo, civilian employee at outstanding stakeholders ng 5th ID.


Ipinaliwanag pa ni Captain Somera na isang normal na pagdiriwang lamang ngayon dahil sa katunyan umano ay noong May 15 pa sana ang anibersaryo sa dahilang sunud-sunod ang mga aktibidad ng kasundaluhan tulad na lamang ng RP-US Balikatan Exercises.

Isa rin sa bahagi ng aktibidad ay ang pagbibigay ng parangal sa ibang unit lalo na ang mga kawalipikado na maging miyembro ng Army Task Force.

Samantala ipriprisenta sa anibersaryo ang maraming armas at uniporme na nakumpiska ng mga otoridad mula sa mga kasapi ng NPA sa Sitio Calvo, Barangay Disimungal, Nagripunan Quirino nitong nakaraang Sabado.

Facebook Comments