Celebrasyon ng 59th Araw ng Cotabato City pinaghandaan na

Nakalatag na ang ilang mga aktibidad may kaugnayan sa celebration ng 59th Araw ng Cotabato city. Sa panayam ng DXMY RMN Cotabato, kay City Tourism Officer Girlie Frondoza sa June 12 ang kick-off ceremony ng 59th foundation anniversary ng siyudad na pasimulan sa celebrasyon ng Independence Day hanggang sa June 20. Nariyan parin ang Sports event, cultural presentation, culinary contest, ang Mutya ng Cotabato at maraming iba pa habang May inimbitahan ding bisita na mula sa kamaynilaan.Inaasahan umanong maging kapana-panabik ang inihandang palabas ng City Government, kayat hindi na talaga maiwasan ang papalapit na Araw ng Cotabato kung saan ay ilang araw na lang ang hinihintay.

Facebook Comments