Muling nagsamasama ang mga opisyales mula Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, Moro Islamic Liberation Front, Bangsamoro Transition Commission, Civil Society Organization, IMT at iba pang mga Peace Advocates para ipagdiwang ang 4th Anniversary ng signing ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.
Bagaman naging simple, naging makabuluhan naman ito matapos ilatag ng OPPAP ang mga pinagsikapang inisyatiba para sa usaping pangkapayapaan.
Matatandaang ang CAB ang isa sa naging dahilan para maisabuhay ang nilalaman ng isinusulong ng Bangsamoro Basic Law.
Pinangunahan ni OPPAP Usec Nabil Tan ang okasyon habang naging bisita sa maituturing na makakasaysayang araw ang isa sa mga sumusulong ng BBL na si Anak Mindanao Party List Congresswoman Amihilda Sangcopan.
Isinagawa ang okasyon sa Linden Suites, Ortigas, Pasig City.