Ika-61 anibersaryo ng Metrobank, idinaos ngayong araw sa Grand Hyatt Hotel; iba’t ibang organisasyon na ka-partner nito, dumalo kabilang ang RMN Foundation

Sa selebrasyon ng ika-61 anibersaryo ng Metropolitan Bank and Trust Company o mas kilala bilang Metrobank, isinagawa ang taunang pagtitipon ng Metrobank Foundation at GT Foundation, ang George S. K. Ty grants turn over ngayon araw sa Grand Hyatt Hotel na magkakaloob ng 40 million pesos sa 32-partner organization nito para sa project year 2023-2024.

 

Ang pagtitipon ang may temang “emerging partnerships, emerging communities” na layuning mas mapatatag pa ang mga kolaborasyon at pakikipagtulungan ng Metrobank Foundation at GT Foundation sa mga organisasyon na makapaghatid ng mga makabuluhang programa na nakatuon sa kalusugan, livelihood, arts, disaster response, at edukasyon.

 

Kabilang sa 32 partner organization ng Metrobank na dumalo at pinagkalooban ng grant ay ang RMN Foundation.


 

Dumalo sa pagtitipon si Mr. Enrique Canoy, Vice President for Operations at si Mr. Patrick Aurelio, OIC/corporate social responsibility officer ng RMN Foundation upang tanggapin ang donasyon.

 

Ang donasyon ay nakalaan sa pagpapagawa ng mga wash facility mula sa iba’t ibang paaralan sa bansa na naapektuhan ng mga nakalipas na bagyo sa buong bansa partikular sa Central Luzon Region, Western Visayas Region, CARAGA Region at BARMM Region.

 

Ang Metrobank Foundation, GT Foundation at RMN Foundation ay matagal nang magkasangga at partner sa paghahatid ng makabuluhang tulong sa mga nangangailangan lalo na sa edukasyon, kalusugan, at disaster response.

 

 

Nitong lamang nakaraang Linggo, nagsagawa ng Oplan Tabang Relief Operations ang RMN Foundation at Metrobank Foundation upang mamahagi ng shelter kits sa 333 pamilya mula Ilocos Norte at Ilocos Sur sa mga nasalanta ng Super Bagyong Egay.

Nakatanggap ang bawat pamilya ng mga yero, good lumber at pako sa pagsasaayos ng mga nasira nilang tahanan matapos manalasa ang bagyo.

 

Nagpapasalamat naman ang mga organisasyon kabilang ang RMN Foundation sa patuloy na pagtitiwala ng Metrobank sa kakayahan nitong makapagbigay ng mga programa at proyekto sa mga nangangailangan sa buong bansa.

 

Ang Metrobank Foundation at GT Foundation ay mga corporate social responsibility arm ng Metrobank habang ang RMN Foundation naman ay ang corporate social responsibility arm ng Radio Mindanao Network o RMN Networks.

 

Asahan pa ang m ga programa at proyekto ng gagawin ng RMN Foundation at Metrobank sa mga susunod na panahon na tiyak na makararating saang panig ng Pilipinas.

 

Para sa mga nais tumulong at makibahagi, bisitahin lamang ang RMN Foundation PH Facebook page at ibang social media channel nito o sa www.foundation.rmn.ph

Facebook Comments