Pagpapadala ng DSWD ng libo-libong food packs sa mga binahang lugar sa Visayas at Mindanao, nagsimula na

Nagsimula na ang pagpapadala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng 39 thousand boxes ng food packs sa mga binahang lugar sa Western Visayas (Region 6) and Eastern Visayas (Region 8) regions and Northern Mindanao (Region 10).

11,700 Family Food Packs (FFPs) ang nakatakdang dumating ngayong araw sa Western Visayas provinces gaya ng Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo at Negros Occidental at sa mga lungsod ng Bacolod at Iloilo.

Bukas inaasahan namang darating ang nasa 12,900 boxes ng FFPs sa Northern Mindanao partikular ang mga probinsya ng Lanao del Norte, Camiguin, Misamis Occidental, Misamis Oriental at Bukidnon.


Sa Huwebes, inaasahan namang maihatid ang 14,500 boxes ng FFPs sa Southern Leyte (Region 8).

Facebook Comments