Ika-anim na Anibersaryo ng Pagkakatatag Bilang Syudad ang Ilagan, Dadaluhan ni Sen. Cynthia Villar!

City of Ilagan, Isabela – Dadaluhan bukas ni Sen. Cynthia Villar ang ika-anim na anibersaryo ng pagkakatatag bilang syudad ang Ilagan at ikatlong taon na pagiging corn capital ng Pilipinas ang lungsod ng Ilagan.

Ayon kay ginoong Paul Bacungan, ang City Information Officer ng pamahalaang panglungsod ng Ilagan na magiging panauhing pandangal ang senadora at makikipag-usap umano sa mga liga ng barangay sa City of Ilagan.

Aniya magkakaroon ng iba’t ibang aktibidad kung saan ay pangunahin na umano dito ang pagpapasinaya sa mga peace and security barangay outpost at ang 3rd. level ng kanilang bagong ospital sa western area ng lungsod ng Ilagan na pangangasiwaan ni City Mayor Evelyn “Mudz” Diaz.


Sinabi pa ni ginoong Paul Bacungan na magkakaroon ng cheerdance completion na lalahukan ng iba’t ibang paaralan, fun run, fireworks display at konsyerto ng mga naimbitahang artista.

Matatandaan na una nang nagkaroon ng Sports Fest ang mga empleyado ng LGU sa Ilagan bilang parte ng paghahanda para sa mismong araw ng selebrasyon bukas.

Samantala mabibigyan umano ng gawad awards ang mga magsasaka sa lungsod ng Ilagan bilang bahagi rin ng selebrasyon sa ikatlong taon na pagiging corn capital ng bansa ang nasabing lungsod.

tagas:Luzon,RMN News Cauayan,DWKD 985 Cauayan,Paul Bacungan

Facebook Comments