Ika-anim na Anibersaryo ng Pagkakatatag ng City of Ilagan, Pinaghahandaan Na!

*Ilagan City, Isabela- *Pinaghahandaan na mga Ilagueṅo ang pagdiriwang sa kanilang ika-anim na anibersaryo ng pagkakatatag bilang syudad ang Ilagan nitong Agosto 11, 2018.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay ginoong Paul Bacungan, ang tagapagsalita ng Pamahalaang panlungsod na abala na umano sila ngayon bilang paghahanda sa ika-anim na anibersaryo ng nasabing lungsod.

Aniya, kasalukuyan na umano ngayon ang kanilang isinasagawang Sports Fest para sa lahat ng mga empleyado ng LGU bilang parte sa kanilang paghahanda sa mismong araw ng selebrasyon ng City of Ilagan.


Magkakaroon rin umano ng cheerdance competition na lalahukan ng labing apat na paaralan, fun run, fireworks display at konsiyerto ng mga artista.

Ayon pa kay ginoong Paul Bacungan, Magiging panauhin sa gaganaping anibersaryo si Sen. Cynthia Villar at nakatakda rin umano itong makipag-usap sa mga liga ng barangay sa nasabing Lungsod.

Samantala, bago umano ang selebrasyon ay magkakaroon muna umano ng Ground Breaking Ceremony para sa Third level ng kanilang bagong ospital sa Western area ng Lungsod ng Ilagan na pangangasiwaan ni City Mayor Evelyn “Mudz” Diaz.

Facebook Comments