Tatlong Chinese National, Arestado sa Umano’y Pangingidnap!

*Ilagan City, Isabela- *Arestado ang tatlong Chinese National na umano’y nangidnap ng isang taong gulang na bata sa isinagawang operasyon ng mga otoridad kahapon sa isang hotel sa Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na si Jinjin Zhu, trenta anyos, ang ama ng mismong batang biktima, at ang kanyang mga kasama na sina Jinjie Yuan, trentay dos anyos, at si Hao Shi, trentay dos anyos at pawang mga residente ng Jiangsu, China.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Superintendent Rafael Pagalilauan, ang Hepe ng PNP Ilagan City , nadakip ang tatlong mga suspek matapos humingi ng tulong ang nanay ng biktima na si Ling-I Yuan sa PNP-Anti Kidnapping Group sa kampo krame na umano’y kinuha ng tatay ng biktima ang kanyang anak ng walang paabiso.


Napag-alaman naman ng mga kapulisan na nagtatago sa isang hotel sa Lungsod ng Ilagan ang suspek maging ang kanyang dalawang kasama at dito na natimbog ang mga ito habang nasa maayos na kalagayan naman ang nasagip na biktima.

Ayon pa kay Police Superitendent Pagalilauan, naipasakamay na sa Anti-Kidnapping Group ang mga suspek maging ang batang biktima at nakatakdang mag-usap sa Kampo Krame.ang magkabilang panig hinggil sa naturang pangyayari.

Facebook Comments