Ika-apat na ayuda ngayong Mayo, inihahanda na ng Manila LGU

Pinaghahandaan na ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila ang ika-apat na bugso ng ayuda para sa buwan ng Mayo.

Nitong nakaraang linggo ay natapos na ng lokal na pamahalaan ang pamamahagi ng food boxes sa lahat ng 896 na barangay at anim na distrito sa Maynila.

Ngayon ay sinimulan nang i-repack ang food boxes sa Mayo na inaasahang ipamamahagi sa ikalawang linggo ng susunod na buwan.


Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, bituka muna ang prayoridad sa lungsod bago ang iba upang matiyak na walang residente ang nagugutom.

Magugunitang ipina-realign ni Mayor Isko ang budget para sa road maintenance upang makalikom ng pondo para sa Food Security Program na pakikinabangan ng 700,000 pamilyang Manileño.

Facebook Comments