Lalaki, arestado sa Makati dahil sa pagnanakaw ng motorsiklo ng isang pulis

Arestado ang isang lalaking nagnakaw ng motorsiklo ng isang pulis sa harap mismo ng Pinagsama Police Sub-Station 3 sa Taguig City.

Kinilala itong si Paul Matthew Tanglao, 24-anyos, habang ang nagmamay-ari ng motorsiklo ay ang pulis na si Police Major Fernando Carlos, ang Pinagsama Police Sub-Station 3 Commander.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), ninakaw ng suspek ang motorsiklo ni Major Carlos nitong April 23 habang nakaparada sa harap ng Police Sub-Station.


Pero kinabukasan, matapos na mag-imbestiga ang mga pulis ay natukoy ang kinaroronan ng suspek at naaresto sa Cadena De Amor St., Barangay Pembo, Makati City.

Sa ngayon, nakakulong na ang suspek sa Taguig City Police Station at nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act No. 10883 or the New Anti-Carnapping Law.

Facebook Comments