Cauayan City, Isabela- Naitala ng lalawigan ng Batanes ang ika-apat na kumpirmadong kaso ng COVID-19 matapos lumabas ang resulta ng swab test nito ngayong araw.
Batay sa inilabas na ulat ng Provincial Government, isang 47-anyos na lalaki ang nagpositibo sa sakit o kinategorya bilang B-004.
Ang nagpositibong pasyente ay kabilang sa Allowed Persons Outside Residence (APOR) mula sa Bayombong, Nueva Vizcaya na dumating sa bayan ng Basco nitong March 12 lulan ng isang eroplano.
Kasalukuyang inoobserbahan ang pasyente na naka-isolate sa isang resort at nananatiling asymptomatic o walang nararamdamang sintomas ng COVID-19.
Samantala, nagnegatibo naman ang resulta ng RT-PCR test ng dalawang kasamahan nito na kasama nya sa pagbyahe habang inaasahang isasailalim sa hiwalay na pagsusuri ang natitira pang limang katao na kasama rin sa byahe.