IKA-DALAWAMPU’T WALONG NEGOSYO CENTER NG DTI, ITATAYO SA NATIVIDAD, PANGASINAN

Nakatakdang magbukas ang Department of Trade and Industry (DTI) sa Pangasinan ng isa pang negosyo center sa Natividad, Pangasinan sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng bayan.
Ayon kay, DTI Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten, ang negosyo center sa bayan ng Natividad ay ang ika-28 negosyo center na itatayo sa lalawigan bilang pagsunod sa Republic Act 10644 o mas kilala sa tawag na “Go Negosyo Act”.
Magbibigay ng business registration assistance, advisory services, information and advocacy, at monitoring at evaluation ng business process para sa pagpapabuti ng MSMEs, at iba pa ang sabing itatayong negosyo center sa bayan.

Samantala, pinuri naman ni Dalaten ang LGU Natividad sa kanilang suporta at inisyatiba para sa pagpapatupad sa pagtatayo ng negosyo center para mailapit ng DTI ang kanilang serbisyo sa mga MSE sa munisipyo. |ifmnews
Facebook Comments