Ginugunita ngayong araw ang ika-limang anibersaryo ng paglaya ng Marawi City mula sa kamay ng mga terorista.
Nagsimula sa seremonya ng paglalagay ng wreath laying sa Marawi Pylon sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.
Pinangunahan ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Secretary Carlito Galvez Jr., ang seremonya at nagsilbing military host naman si Philippine Army Inspector General Major General Jose Eriel Niembra.
Ayon kay Galvez, ang naturang seremonya ay isang paraan para alalahanin, parangalan, at pasalamatan ang 169 government forces na nasawi at ang 1,800 tropa ng militar na nasugatan sa labanan sa Marawi City.
Dagdag pa ni Galvez, patuloy rin ang rehabilitasyon ng lungsod, partikular ang pagsasaayos ng mga kalsada, tulay, at iba pang imprastraktura.
Matatandaang Oktubre 17, 2017 nang ideklara ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang paglaya ng Marawi City mula sa Maute group matapos ang limang buwang pagkubkob nito sa lungsod.