Ika-limang pagdinig ng senado kaugnay sa Bureau of Immigration bribery scandal – nagpapatuloy, Sen. Richard Gordon – nagbanta sa mga magsisinungaling sa kanyang komite

Manila, Philippines – Pagbabanta agad ang naging pambungad ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Sen. Richard Gordon sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senado sa isyu ng bribery scandal sa Bureau of Immigration.
 
Kasunod ito ng lumapit umano kay Gordon na isang testigo na una nang natukoy na hindi nagsasabi ng totoo.
 
Babala ni Gordon, pananagutin nila ang sinumang matutuklasan na nagsisinungaling sa pagdinig ng kaniyang komite.
 
Sa pagsisimula ng pagdinig, agad na ginisa ni Gordon si Bi Commissioner Jaime Morente dahil sa hindi agad nito nalaman ang pagtrabaho ng mga Chinese National ng walang legal na pasaporte.
 
Nabatid na sa ika-limang hearing na ito ukol sa naturang isyu ngunit hindi pa rin nalilinawan ang ilang mahahalagang impormasyon.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila


Facebook Comments