Inilunsad na sa bayan ng San Fabian, ang ika-pitong Balay Silangan para sa mga taong nalulong sa ipinagbabawal na gamot sa bayan.
Ang naturang Balay Silangan na ipinatayo sa nasabing bayan ay isang reformation center facility upang tulungan na makapagbagong-buhay muli o bibigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga taong sumuko at nalulong sa mga droga sa pamamagitan ng pamamalagi sa loob ng isang buwan ng mga reformists sa pasilidad na ito kung saan nasa 62-mga reformists ang kanilang nasa listahan na sasabak sa programa.
Kailangan lamang gawin ng mga reformists ang ilang programa gaya na lamang ng sports, personal hygiene, basic life support at marami pang iba na makakatulong sa kanila para tuluyan na nilang makalimutan ang maling gawain at upang magamit nila ito sa kanilang pamumuhay sa oras na sila ay makapaghanap ng trabaho.
Samantala ang pasilidad na ito sa bayan ay ang ika-36 na Balay Silangan sa buong rehiyon uno upang tulungan ang mga Pangasinenseng nalulong sa droga lalo na’t ang bayan ng San Fabian ang isa sa mga bayan tinututukan ng mga awtoridad dahil sa mataas na kaso ng mga drug personalities. | ifmnews
Facebook Comments