34, patay sa landslide sa Colombia

Umakyat na sa 34 ang mga nasawi matapos matabunan ng lupa ang kanilang sinasakyang bus dahil sa landslide sa Northwestern Colombia.

Ayon kay Interior Minister Alfonso Prada, kabilang sa mga namatay ay walong menor-de-edad.

Nagpapatuloy pa rin aniya ang isinasagawang search and rescue operation ng mga awtoridad, kung saan nasa siyam na ang mga nailigtas.


Nabatid na ang landslide ay bunsod ng malakas na pag-ulan na tumama sa bayan ng Pueblo Rico at Santa Cecilia sa Risaralda Province.

Samantala, tiniyak naman ni Colombian President Gustavo Petro ang tulong sa pamilya ng mga nasawi.

Facebook Comments