Ikaapat na “Bayanihan, Bakunahan”, nakatuon sa mga liblib na lugar – DOH

Prayoridad ng gobyerno na bakunahan ang mga indibidwal sa mga liblib na lugar sa ikaapat na yugto ng ‘Bayanihan, Bakunahan” na magsisimula ngayong araw hanggang March 12.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, uunahin nilang mabakunahan ang mga senior citizen na hindi pa nakakumpleto ng kanilang primary dose series at mga nakatakdang magpa-booster shots.

Aniya, magsasagawa ng house-to-house vaccination para maabot ang mga senior citizen at pamalakas ang vaccination rollout sa mga komunidad.


Nakikipag-ugnayan din sila sa mga Local Government Unit (LGUs), pribadong sektor, pharmacies, primary care clinics, at occupational health clinics gayundin ang air, sea at transportation terminals na gagamitin para maabot ang higit na target population.

Tutulong din ang mga simbahan, parokya at cathedral upang magserbisyo bilang vaccination sites para sa mas maraming mabakunahan.

Hinimok naman ni Vergeire ang publiko na magpabakuna upang maiwasan ang severe COVID-19 cases.

Facebook Comments