P10,000 cash assistance, ilalaan para sa mga OFW na uuwi mula Ukraine

70

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mayroong nakahandang suporta para sa mga repatriated Filipino mula sa Ukraine.

Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, sa pamamagitan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay pagkakalooban ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) ng P10,000 cash assistance.

Habang tutulong aniya ang Bureau of Local Deployment na hanapan ng trabaho sa bansa ang isang OFW na angkop sa kanyang kakayahan.


Maliban dito, sinabi rin ni Bello na pagkakalooban din ng pamahalaan ang mga umuwing Pilipino ng livelihood project.

Facebook Comments