Comelec en banc, nagkasundong rebyuhin ang resolusyon kaugnay sa pangangampanya

Nagkasundo ang Commission on Elections (COMELEC) en banc na i-revisit ang resolusyon kaugnay ng mga patakaran sa in person campaign sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay COMELEC Director Elaiza Sabile David, naaprubahan sa En Banc ang mungkahi ni bagong COMELEC Commissioner George Garcia na reviewhin ang Resolution 10732 dahil bumaba na ang alert level ng bansa.

Aniya, asahan na ang mga pagbabago sa mga probisyon lalo’t lahat ng nasa resolusyon ay muling pag-aaralan.


Pagtitiyak pa ni David ang bagong guidelines ay itutugma sa kasalukuyang alert level.

Facebook Comments