Ikalawang batch ng resulta ng imbestigasyon ng task force sa PhilHealth anomaly, isusumite sa Pangulo sa ikalawang linggo ng October

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nakakalat na sa iba’t ibang rehiyon ang composite team ng Task Force Philhealth.

Ayon kay Justice Undersecretary at Spokesman Markk Perete, tatapusin nila ang ikalawang batch ng kanilang imbestigasyon sa ikalawang linggo ng susunod na buwan.

Aniya, agad nilang isusumite ang kanilang rekomendasyon sa Pangulong Rodrigo Duterte sa oras na matapos na ang imbestigasyon.


October 14, 2020 aniya nila maisusumite ang kanilang report o resulta ng imbestigasyon.

Tiniyak ni Perete na madaragdagan pa ang bilang ng mga tiwaling opisyal ng PhilHealth na irerekomenda nilang sampahan ng reklamo.

Sa ngayon, pitong opisyal pa lamang ng PhilHealth ang inirekomenda nila sa Pangulong Duterte na sampahan ng reklamo.

Facebook Comments