Ikalawang PH-US Maritime Cooperative Activity, nagsisilbing mensahe sa buong mundo ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Brawner

Nagsisilbing mensahe sa buong mundo ang ikalawang PH-US Cooperative Maritime Activity na matatag ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos, sa pagsulong ng “Rules-Based International Order” at isang malaya at bukas na Indo-Pacific Region, sa gitna ng mga hamon sa rehiyon.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr., sa pagsisimula kahapon ng dalawang araw na Bilateral activity ng AFP at US Indo-Pacific Command sa West Philippine Sea (WPS) na tatagal hanggang ngayong araw.

Ayon kay Brawner, ang aktibidad ay malaking hakbang sa pagpapatatag ng alyansa at interoperability ng mga pwersa ng dalawang bansa.


Ipinakikita rin aniya nito ang malaking progreso ng AFP sa pagpapalakas ng kanilang pandepensang kapabilidad.

Bukod dito, ang pagsasanay ay nakatulong din aniya sa pag-unlad ng AFP tungo sa adhikaing maging isang “World-Class Armed Force”.

Facebook Comments