Aarangkada na ngayong araw ang ikalawang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).
Gaganapin ito sa lalawigan ng Lanao del Norte maliban sa Iligan City at sa 28 barangay at mga munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit at Pigkawayan sa North Cotabato.
Layon ng ikalawang plebisito na matukoy kung isasama ba ang North Cotabato at Lanao del Norte sa bagong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Una nang idineklara ng Malacañang na special non-working holiday ang araw sa mga lugar na pagdarausan ng plebisito para makaboto ang publiko.
Facebook Comments